Friday, March 21, 2008

pagsubok

may mga bagay sa mundo na hindi mo sukat akalain na mararamdaman mo...susubukan ka ng Diyos hanggang sa kaduluduluhang kapasidad ng puso at isip mo....mahirap, masakit, pro alam Nya na kakayanin mo....kahit ano pa ang mangyari sa buhay, maging masaya ka at magpasalamat, lahat ng bagay, biyaya Nya, minsan sa anyong hindi kasiyasiya...pero lahat ng ito pagsubok at hakbang upang ihanda ka sa totoong anyo ng mundo...ihanda ka sa isang laban na kakailanganin ang tatag at tibay ng pagkatao mo....


maraming beses na akong nasaktan... lumuha, nabigo, nahirapan.... pero sa kabila ng lahat ng damdaming halo halo kong naramdaman... patuloy parin akong nagmahal... nagmamahal... at alam kong magmamahal hanggang sa huling hininga ng puso ko...

mahal na mahal ko sya... at kahit gaano pa kasakit lahat ng damdaming pumupukol sa diwa ko ngayon.. alam kong sya ang lalaking mamahalin ko... panghabang buhay...

salamat Panginoon, sa lahat ng pagsubok na binibigay mo sa akin ngayon... alam kong hakbang mo lamang ito para tulungan akong ihanda sa mga susunod pang laban...

No comments: