Friday, December 07, 2007
1
gusto ko sana pang collections of pictures ko lang tong site na to,and then i decided na gawin naring blog space,actually kala ko graduate nko sa pagpopost ng blogs (dahil lahat na yata halos ng blog sites nakapag register nako...friendster,multiply,facebook,bebo,xanga,tabulas,etc...) kaya puro litrato nlng ang pinagkakaabalahan ko ngayon...pero paminsan minsan lagyan ko narin ng kwento para naman hindi mabagot yung (if ever) "someone" na magkakainteres na titingin dito sa blogger ko,hehehe....
well, ito ang first time na maglalagay ako ng kwento dito...
pangalan ko pala "ruby", sabi ng nanay ko hindi daw sya ang nagbigay ng pangalan ko nung pinanganak ako kundi yung doctora daw na nagpaanak sa kanya,kasi naman sobrang pula ko raw nung lumabas ako sa "vaginal opening" ng mama ko kaya sabi ng doctor "R-U-B-Y" nalang daw ang ipangalan sakin, tapos sinundan ng "ruth" na namana ko naman sa pangalan ng nanay ko...kaya siguro lumaki ako na hindi ganun kaclose sa mama ko dahil hindi sa kanya nanggaling pangalan ko,hehehe (halerrrr!!! connection???!!!)
anyway....lima kaming magkakapatid, apat na babae at nagiisang lalaki.....pang apat ako...
sa edad kong 23 meron nakong asawa,pero wala pa akong anak....naaalala ko tuloy nung sinabi ko sa mga kaibigan ko na mag aasawa nako lahat sila halos ang tanong "bakit buntis ka ba???"... sabi ko naman..." hindi noh!!!bakit buntis lang ba ang may karapatang magpakasal at mag-asawa ng maaga???", hehehehe...kasi sa mundo daw ngayon ang madalas lang mag-asawa ng maaga eh kung hindi buntis, ehhhh buntis....hehehehhee....
isang taon at kalahati na akong kasal pero hanggang ngayon hindi parin kami magkasama ng asawa ko, wala kasi siya dito sa pilipinas, sa Chicago sya naka base kasama family nya, nagtatrabaho sya sa US Navy kaya mahirap talagang magkasama kami....pero ok nmn ang buhay namin,kahit sobrang lungkot dahil magkalayo kami kahit papano nagagawa naman naming maging masaya paminsan minsan knowing na we have each other...umaasa na balang araw magkakasama rin kami at hinding hindi na magkakahiwalay pa...hehehe...drama...
sa buong maghapon ilang daang beses ko yata chinechek ang mga web spaces ko...halos 24/7 akong naka log on sa yahoo messenger...every week nagpopost ng bagong picture sa multiply...at mahilig magbrowse ng mga nawawalang kaibigan..hehehe....masaya ako tuwing nakakaharap ako sa computer ko...nakakalimutan ko ang oras pag naka online ako....nakakalimutan ko lahat ng lungkot at hirap pag ginagawa ko to....
sabi nila hopelessly romantic daw ako....madalas naka tulala,malalim ang iniisip, super crybaby...bukang bibig ang pangalan ng asawa ko...mahilig magmunimuni....madrama sa buhay,naiiyak kapag nakakapanuod ng love story,naaawa pag nakakakita ng batang lumuluha,marami pang iba....takot ako sa failure kaya minsan kasisimula ko palang ng isang bagay tumitigil nako agad,natatakot kasi ako na baka pagdating ng oras hindi ko rin matapos ng maayos kung ano man ang sinimulan ko...kaya madalas nauuwi ako sa wala...butata...
sabi nila sayang daw dahil matalino naman ako...most of the time nag eexcel naman daw ako sa kung ano man ang pinapasok ko, madalas lang talaga maunahan ng takot ang dibdib ko kaya nawawalan nako ng spirit tumuloy...
mas gusto kong gawin ang kung anong makakabuti sa mahal ko kesa makakabuti sa akin,mas importante kung ano ang gusto nya kesa sa kung ano ang gusto ko....kasi ayoko ng conflict, ayoko ng gulo...pero kadalasan sa huli hindi parin ako naaappreciate....hindi prin ako gusto....
most of the time takot ako magtiwala sa tao....hindi ko alam kung bakit pero everytime i try to give something lagi na lang na aabuse yung pagiging mabait ko....kaya ayan ngayon ayoko na maging super mabait...hehehe....
mahal ko ang buhay ko,kahit na mas marami ang disappointments ko kesa sa accomplishments..alam kong maligaya parin ako sa kung ano mang buhay ang meron ako ngayon...kahit hindi ko pa alam at wala pang kasiguraduhan kung ano ang kayang kong ibigay sa "bukas", may tiwala parin ako sa sarili ko na hindi ako tatanda na walang saysay, alam ko malapit ko ng makita kung ano talaga ang "worth" ko as a person, hindi lang para sa pamilya at kabiyak ng puso ko, kundi lalong lalo na sa sarili ko as an "individual" dahil alam kong may nagmamahal sakin ng walang kapantay.....si Lord ang number one lovelife ko at "life" ko....
o sige na mukang napahaba na ang pagtatype ko dito....
manunuod pako ng prison break (season3) meron kc akong nabili na dvd...(pirated nga lang,hehehe...patawad po....)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment